LMG.
Alam mo araw-araw sinasampal sampal ko tong sarili ko para magising ako sa katotohanan, para matauhan ako. Para matigil na tong kagaguhang to. Kahit sabihin ko sa sarili kong tama na, isang text mo lang ayan, nandyan na ko, hindi kasi kita matiis eh. Lahat sila sinasabi sakin na “Mae, ang tanga-tanga mo, hanggang kelan ka magpapakatanga?” Pero ganun naman talaga di ba? Lahat ng nagmamahal nagpapakatanga, kaya tanga na kung tanga pero mahal kita! Mahal kita, gago ka! Bakit ikaw pa?”
Wala na eh. Wala na yatang itinira sa akin na ganyang klaseng lalaki.
Grabe. Mahal na mahal nya talaga si Mara no? As in ganoon nya talaga kamahal. Tinulungan nya talaga. Lagi syang nanjan kapag kelangan sya ni Mara. Owshoot.
Ang landeh ko. Ano baaaaah~
PS: Pasensya na po talaga. Baka-maflood na kayo ng mga “Utoy” posts ko. Wag kayong mag-alala, nauubusan na din ako ng title eh. Chos. Basta, hindi naman na ako masyadong magpopost pa. Nalaman na kasi kung sino sya.






